Mabisang Gamot Sa Makating Lalamunan

Ano ang Gamot sa makating lalamunan
Ang mga gamot sa pangangati ng lalamunan ay depende sa kung ano ang sanhi ng pangangati. Ang ilan sa mga ito ay maaaring pain reliever, gamot sa ubo, corticosteroids, antihistamines, antibiotics, at antifungals.
Tandaan na ang mga gamot na ito ay mayroong mga side effects, kaya kailangang kumunsolta sa doctor bago ang paggamit, siya ang mabibigay ng nararapat na gamot na babagay sa iyong sakit.

Ano ang Natural na gamot sa makating lalamunan?
Maliban sa mga gamot na iriniseta ng doktor ay may magagawa ka ring lunas para pakalmahin ang pangangati ng lalamunan, kahit nasa bahay ka lang. Una sa lahat, siguraduhin mo munang regular kang umiinom ng tubig. Ang tuyong lalamunan kasi ay ang siyang pangunahing dahilan kung bakit makati ang lalamunan mo. Kaya’t inom ka muna ng tubig bago mo subukan ang mga sumusunod na mga natural na gamot sa makating lalamunan.
• Mag-mumug ng tubig na may asin
• Kumain ng kaunting honey
• Uminom ng honey, salabat, at kalamansi juice o limonada
• Uminon ng apple cider vinegar (maaaring ding lagyan ng tubig kung gusto mo)
• Huwag manigarilyo
• Iwasan ang sobrang pagkanta at pagsigaw
• Alamin ang mga bagay na makaka-trigger ng iyong mga allergy
Kung sakaling sa kabila ng iyong pag subok sa mga pamamaraang ito ay hindi pa rin nawawala ang mga sintomas ng iyong sakit o pangangati ng lalamunan ay mas makabubuting kumunsulta ka na agad sa doktor mo.
Kaalaman tungkol sa sore throat at kung paano ito maiwasan
Ang pamamaga ng lalamunan o sore throat ay isa pa sa pangunahing sanhi ng pangangati ng lalamunan kaya’t minarapat naming ipaalam saiyo ang mga paraan kung paano makakaiwas sa pamamagang ito.
Ano ba ang pagkaka-iba ng sore throat at tonsillitis? Ang sore throat kung minsan ay ang unang sintomas ng sipon. Ang pamamaga ng lalamunan na dahil sa sipon ay maaaring tumagal lamang ng isa o dalawang araw.
Ang tonsillitis naman ay dahilsa infection na dala bacteria na streptococcus. Ang tonsilitis ay mas malalang kondisyon kung ihahambing sa pamamaga ng lalamunan na dahil sa sipon. Ang tonsillitis ay pamamaga at pananakit ng tonsil o ngala-ngala.
Ano ang Gamot sa pamamaga ng lalamunan dahil sa sipon o runny nose?
Bagamat wala naman talagang gamot sa sipon sapagkat dahil ito sa virus, may mga paraan naman para makatulong saiyo na maging komportable ang pakiramdam habang mayroong sipon at makati at namamaga ang iyong lalamunan. Maaaring uminom ng mga maligamgam na inumin, magmumug ng maligamgam ng tubig na may asin, mayroong ding mga nabibiling mga gamot sa sipon over the counter o kahit walang riseta ng doctor. Higit sa lahat kapag may sakit makakatulong ang pag-inom ng maraming tubig, kumain ng masusustansyang pagkain at magpahinga.
Gamot sa tonsillitis
Ang sanhi ng tonsillitis ay bacteria, kaya naman mas makabubuti na uminom ka ng antibiotics, ang kadalasang antibiotics na ibinibigay sa pasyenteng mayroong tonsillitis ay penicillin at amoxicillin. Kung mayroong allergy ang pasyente sa ganitong gamot maaari magbigay ang dokctor ng ibang gamot. Palaging sundin ang ipinapayo ng iyong doktor kung tungkol sa pag-inom ng gamot sa makating lalamunan.
Mga iba pang paraan na maaaring makatulog
• Mag pahinga ng maayos
• Uminom ng maraming tubig o fluids
• Kumain ng mga pagkain na madaling kainin tulad gelatin, ice cream, frozen desserts, at sopas
• Iwasan ang maaanghang at malulutong na pagkain
• Gumamit ng vaporizer
• Maaaring gumamit ng mga over the counter pain relievers katulad ng acetaminophen, naproxen at ibuprofen
Ngunit kapag ang mga sintomas ay hindi pa rin nawawala ay kumunsulta kaagad sa iyong doctor.
Ang pinakamabuting paraan para maiwasan ito ay alamin ang maaaring sanhi at ng iyong sore throat o tonsillitis. Makabubuti rin kung iwasan ang mga gawain, pagkain at inumin na maaaring magdulot ng allergy.
Ang gamot sa makating lalamunan ay maaaring matagpuan sa ating kusina at paligid dahil sa mga remedyong maaaring gawin sa bahay. Ang sore throat na dahil sa sipon ay mayroon ding mabibiling over the counter na gamot. Ang sakit na tonsillitis ay dahil sa bacteria kaya mas makabubuting kumunsulta sa doktor kapag nakaramdam nito.
Date Published: Apr 01, 2023

Related Post

Ano Gamot Sa Makating Lalamunan

Ang pananakit at pangangati ng lalamunan ay sintomas lamang na may problema. Kadalasan, ang sore throat ay dala ng impeksyon, o kaya naman ay mga factor na dala ng kapaligiran gaya ng dry air. Mayroon itong tatlong uri base sa parte ng lalamunan na naaapektuhan nito:


Pharyngitis – Pharynx an...Read more

Gamot Sa Makating Lalamunan At Dry Cough Home Remedy

Mga posibleng dahilan ng makating lalamunan at dry cough

Karaniwang inuugnay sa makating lalamunan ang sore throat, strep throat, at tonsillitis. Taliwas sa akala ng karamihan, hindi sila iisang kondisyon lamang bagkus tatlong magkakaibang sakit. Kung sore throat, namamaga ang lalamunan. Pero kap...Read more

Gamot Sa Makating Lalamunan At Dry Cough For Adults

Kung ikaw ay mayroong makating lalamunan at dry cough, maaaring ito ay dahil sa iba't ibang mga dahilan tulad ng impeksyon sa virus o bacteria, allergies, acid reflux, o dehydration. Narito ang ilang mga posibleng gamot at remedyo para sa mga sintomas na ito:

Pag-inom ng maligamgam na tubig: Ang ...Read more

Gamot Sa Makating Lalamunan Home Remedy

Gamot sa makating lalamunan at Home Remedy
Nagdudulot ng pharingitis or sore throat ang kundisyon kung saan ang lalamunan ng isang tao ay nakakararanas ng pangangati at pananakit.

Nahihirapan ding lumunok ang taong mayroon nito at kung minsan nagdudulot ng hirap sa pagsasalita dahil sa iritasyon...Read more

Gamot Sa Makating Lalamunan Na Capsule

Ano ba ang gamot sa makating lalamunan?
Ang gamot sa makati at namamagang lalamunan ay depende sa kung ano ang sanhi ng pamamaga. At dahil kadalasang sanhi ng makating lalamunan ang impeksyon na dala ng virus, mahalagang tandaan na ang paginom ng antibiotic na gamot ay hindi makakatulong upang mawa...Read more

Cetirizine Para Sa Makating Lalamunan

Gamot sa makating lalamunan at ibang sintomas ng allergy
Antihistamines ang gamot para sa allergies, sabi ng mga eksperto sa Mayo Clinic. Paliwanag nila na gawain ng antihistahimes na harangin ang histamine, o ang chemical na nilalabas ng immune system kapag nagkakaroon ng allergic reaction. Mabibi...Read more

Makating Kilikili Dahil Sa Tawas

Ang pangangati sa kilikili dahil sa tawas ay maaaring dulot ng reaksiyon ng balat sa kemikal na matatagpuan sa tawas. Ito ay maaaring magdulot ng pangangati, pamamaga, at kati-kati sa balat ng kilikili.

Narito ang ilang mga hakbang na maaaring gawin upang maibsan ang pangangati sa kilikili:

1....Read more

Mabisang Gamot Sa Singaw Sa Lalamunan

Ang mga singaw sa lalamunan ay maaaring maging masakit at nakakaabala sa pagkain at pananalita. Narito ang ilang mga mabisang gamot na maaaring magpakalma at magpabuti ng singaw sa lalamunan:

Chlorhexidine mouthwash: Ito ay isang antiseptic mouthwash na maaaring magpakalma ng singaw sa lalamunan ...Read more

Mabisang Gamot Sa Singaw Sa Lalamunan

Ang singaw sa lalamunan, na kilala rin bilang aphthous ulcer o canker sore sa Ingles, ay isang sakit kung saan lumalabas ang mga namamagang paltos sa loob ng bibig o lalamunan. Ito ay karaniwang sanhi ng stress, pagkakaroon ng malusog na sistema ng immune, pagkain ng maanghang o maasim na pagkain, o...Read more