Ano Gamot Sa Makating Lalamunan
Ang pananakit at pangangati ng lalamunan ay sintomas lamang na may problema. Kadalasan, ang sore throat ay dala ng impeksyon, o kaya naman ay mga factor na dala ng kapaligiran gaya ng dry air. Mayroon itong tatlong uri base sa parte ng lalamunan na naaapektuhan nito:
Pharyngitis – Pharynx ang apektado, ang area sa likod ng bibig.
Tonsilitis – Namamaga at namumula ang tonsils o ang mga soft tissue sa likod ng bibig.
Laryngitis – Ang voice box o larynx ang namumula at namamaga.
Anu-ano naman ang mga sintomas ng sore throat?
Batay sa naging sanhi ng pananakit ng lalamunan at sa parte nito na apektado, narito ang mga sintomas na maaaring maranasan ng taong may sore throat:
Pangangati ng lalamunan;
Pakiramdam na mahapdi, dry, at iritado ang lalamunan;
Puting mga uri ng maliliit na nana sa tonsils;
Pagbabara ng ilong;
Tumutulong sipon;
Pagbabahing;
Ubo
Lagnat;
Chills;
Kulani sa leeg;
Paos na boses; at
Pananakit ng lalamunan na lumalala kapag lumulunok o nagsasalita.
Para matukoy kung anong klaseng gamot sa makating lalamunan ang dapat inumin, alamin muna natin ang iba’t ibang posibleng sanhi ng sore throat.
Causes of Sore Throat
Viruses – Nasa 90% ng pananakit ng lalamunan ay dala ng mga virus na nagdadala ng mga sakit gaya ng sipon, influenza o flu, mononucleosis o impeksyon na napapasa sa pamamagitan ng laway, measles o tigdas, chickenpox o bulutong, at mumps o beke.
Bacteria – Ang streptococcus bacteria ay isa sa mga pangunahing sanhi ng bacterial sore throat. Sa mga bata, 40% ng mga kaso ng pananakit ng lalamunan ng ay dahil dito. Ang tonsillitis ay nasa ilalim din ng kategoryang ito.
Mga allergy – Nakakapagdala ng pagbabara ng ilong, pagluluha ng mga mata, pagbahing, at iritasyon sa lalamunan ang allergens o mga nagsasanhi ng allergy gaya ng pollen, kemikal, mga halaman, alikabok, at mga alagang hayop. Sa ibang kaso, allergic rhinitis ang nararanasan kapag nagsama-sama ang mga sintomas na ito dahil sa allergens.
Dahil din dito, ang labis na mucus galing sa ilong ay napupunta sa likod ng lalamunan. Tinatawag itong postnasal drip at ito ay nagsasanhi rin ng sore throat.
Usok – Ang usok, kasama na ang iba pang mga kemikal nang gaya ng sa sigarilyo at tobacco, ay maaari ring makairita sa lalamunan kapag nalanghap.
1. Gastroesophageal Reflux Disease (GERD) – Ang kondisyon na ito ay nangyayari kapag ang acid sa tiyan ay umaakyat sa esophagus na nagdadala ng pagkain mula sa bibig papuntang stomach. Nagdadala ito ng mainit na pakiramdam sa lalamunan dahil sa sintomas nitong heartburn. Viruses – Nasa 90% ng pananakit ng lalamunan ay dala ng mga virus na nagdadala ng mga sakit gaya ng sipon, influenza o flu, mononucleosis o impeksyon na napapasa sa pamamagitan ng laway, measles o tigdas, chickenpox o bulutong, at mumps o beke.
2. Bacteria – Ang streptococcus bacteria ay isa sa mga pangunahing sanhi ng bacterial sore throat. Sa mga bata, 40% ng mga kaso ng pananakit ng lalamunan ng ay dahil dito. Ang tonsillitis ay nasa ilalim din ng kategoryang ito.
3. Mga allergy – Nakakapagdala ng pagbabara ng ilong, pagluluha ng mga mata, pagbahing, at iritasyon sa lalamunan ang allergens o mga nagsasanhi ng allergy gaya ng pollen, kemikal, mga halaman, alikabok, at mga alagang hayop. Sa ibang kaso, allergic rhinitis ang nararanasan kapag nagsama-sama ang mga sintomas na ito dahil sa allergens.
Dahil din dito, ang labis na mucus galing sa ilong ay napupunta sa likod ng lalamunan. Tinatawag itong postnasal drip at ito ay nagsasanhi rin ng sore throat.
4. Usok – Ang usok, kasama na ang iba pang mga kemikal nang gaya ng sa sigarilyo at tobacco, ay maaari ring makairita sa lalamunan kapag nalanghap.
5. Gastroesophageal Reflux Disease (GERD) – Ang kondisyon na ito ay nangyayari kapag ang acid sa tiyan ay umaakyat sa esophagus na nagdadala ng pagkain mula sa bibig papuntang stomach. Nagdadala ito ng mainit na pakiramdam sa lalamunan dahil sa sintomas nitong heartburn.
6. Pagkain – May ibang pagkaing napag-alamang nakakapag-trigger ng sakit ng lalamunan gaya na lamang ng seafood at mani, ilan sa mga pagkain na madalas ay allergic ang isang tao. Nakakapanikip ito ng airways at nakakapagpangati ng lalamunan sa ibang kaso.
Nakakaapekto sa pagsasalita maging sa pag-kain ang pagkakaroon ng iritadong tonsils. Para tuloy-tuloy ang selebrasyon ngayong kapaskuhan, tingnan dito kung anu-ano ang mga pwedeng gamot sa sore throat at iba pang paraan para mapaginhawa ito.
• Loratidine/Cetirizine – Ang gamot sa sore throat na ito ay isang antihistamine na nakakatulong ibsan ang allergic rhinitis na may kasamang pagbahing, pangangati ng ilong, at pagluluha ng mga mata. Sakop din nito ang mga skin allergy gaya ng mga kati-kati at rashes.
• Fluids – Bukod sa pag-inom ng gamot sa tonsillitis, napapanatiling moist at swabe ng tubig at iba pang healthy fluids ang lalamunan. Naiingatan din ng mga ito ang katawan laban sa dehydration. Kapag nakakaranas ng pananakit ng lalamunan, hangga’t maaari ay umiwas muna mga inuming may caffeine at alcohol content dahil nakakatuyo ito ng throat.
Maaaring sumubok ng warm liquids gaya ng sabaw, tsaa na caffeine-free, o maligamgam na tubig na may honey para mabawasan ang iritasyon ng sore throat. Nakakatulong din ang pagmumog ng warm water na may asin. Bukod sa ginhawa na dala nito, nakkaatulong ito na patayin ang bacteria o germs na nasa lalamunan. Maglagay lang ng ¼ hanggang ½ tsp. na tablesalt sa apat hanggang walong ounces ng tubig. Huwag itong inumin.
Bukod dito, ipagbigay-alam sa mga kasama sa bahay o trabaho na nakakairita sa lalamunan ang paglanghap ng cigarette smoke at ibang cleaning products para hindi lumala ang sore throat. Kung hindi ito maiiwasan, magsuot ng facial mask.
• Lozenges – And mga therapeutic na hard candy gaya nito ay nakakaginhawa rin ng sore throat. Bilang paalala, huwag itong gamitin para maibsan ang sakit sa lalamunan ng mga bata edad apat pababa dahil maaari silang maging at-risk sa choking.
Bukod sa mga ito, palakasin pa ang immune system sa pamamagitan ng pagkakaroon ng diet na mayaman sa Vitamin C at pagbibigay ng oras para sa sapat at tamang pahinga. Sa ganitong paraan, mapapalakas ang resistensya ng katawan para labanan ang viruses at bacteria na kadalasang nagdadala ng sore throat.
Huwag mag-atubiling kumonsulta sa inyong doktor kung pabalik-balik ang pananakit ng lalamunan para makasigurado.
Date Published: Apr 01, 2023
Related Post
Mga posibleng dahilan ng makating lalamunan at dry cough
Karaniwang inuugnay sa makating lalamunan ang sore throat, strep throat, at tonsillitis. Taliwas sa akala ng karamihan, hindi sila iisang kondisyon lamang bagkus tatlong magkakaibang sakit. Kung sore throat, namamaga ang lalamunan. Pero kap...Read more
Ano ang Gamot sa makating lalamunan
Ang mga gamot sa pangangati ng lalamunan ay depende sa kung ano ang sanhi ng pangangati. Ang ilan sa mga ito ay maaaring pain reliever, gamot sa ubo, corticosteroids, antihistamines, antibiotics, at antifungals.
Tandaan na ang mga gamot na ito ay mayroong mga si...Read more
Kung ikaw ay mayroong makating lalamunan at dry cough, maaaring ito ay dahil sa iba't ibang mga dahilan tulad ng impeksyon sa virus o bacteria, allergies, acid reflux, o dehydration. Narito ang ilang mga posibleng gamot at remedyo para sa mga sintomas na ito:
Pag-inom ng maligamgam na tubig: Ang ...Read more
Gamot sa makating lalamunan at Home Remedy
Nagdudulot ng pharingitis or sore throat ang kundisyon kung saan ang lalamunan ng isang tao ay nakakararanas ng pangangati at pananakit.
Nahihirapan ding lumunok ang taong mayroon nito at kung minsan nagdudulot ng hirap sa pagsasalita dahil sa iritasyon...Read more
Ano ba ang gamot sa makating lalamunan?
Ang gamot sa makati at namamagang lalamunan ay depende sa kung ano ang sanhi ng pamamaga. At dahil kadalasang sanhi ng makating lalamunan ang impeksyon na dala ng virus, mahalagang tandaan na ang paginom ng antibiotic na gamot ay hindi makakatulong upang mawa...Read more
Gamot sa makating lalamunan at ibang sintomas ng allergy
Antihistamines ang gamot para sa allergies, sabi ng mga eksperto sa Mayo Clinic. Paliwanag nila na gawain ng antihistahimes na harangin ang histamine, o ang chemical na nilalabas ng immune system kapag nagkakaroon ng allergic reaction. Mabibi...Read more
Ang pangangati sa kilikili dahil sa tawas ay maaaring dulot ng reaksiyon ng balat sa kemikal na matatagpuan sa tawas. Ito ay maaaring magdulot ng pangangati, pamamaga, at kati-kati sa balat ng kilikili.
Narito ang ilang mga hakbang na maaaring gawin upang maibsan ang pangangati sa kilikili:
1....Read more
Ang mga singaw sa lalamunan ay maaaring maging masakit at nakakaabala sa pagkain at pananalita. Narito ang ilang mga mabisang gamot na maaaring magpakalma at magpabuti ng singaw sa lalamunan:
Chlorhexidine mouthwash: Ito ay isang antiseptic mouthwash na maaaring magpakalma ng singaw sa lalamunan ...Read more
Kung mayroon kang paos at sakit ng lalamunan, maaaring kailangan mo ng mga gamot upang mabawasan ang sakit at mapagaling ang mga sintomas. Narito ang ilang mga gamot na maaaring maipapayo ng doktor:
Antibiotics - Kung ang pagka-paos at sakit ng lalamunan ay dulot ng impeksyon sa lalamunan, maaari...Read more