Gamot Sa Makating Lalamunan At Dry Cough Home Remedy
Mga posibleng dahilan ng makating lalamunan at dry cough
Karaniwang inuugnay sa makating lalamunan ang sore throat, strep throat, at tonsillitis. Taliwas sa akala ng karamihan, hindi sila iisang kondisyon lamang bagkus tatlong magkakaibang sakit. Kung sore throat, namamaga ang lalamunan. Pero kapag tonsils ang namaga, tonsillitis na ito at, sa patuloy na pamamaga, maaaring tumuloy sa strep throat.
Kadasalang kasunod ng makating lalamunan ang pag-ubo, lalo na kung may plema sa lalamunan at tinatawag na productive cough. Pero puwede ring nonproductive o dry cough dahil wala itong kasamang phlegm o mucus.
Sa ganyang karamdaman, ang una mong iisipin ay magkakasipon ka. Ang sipon o common cold ay isang uri ng infection na dulot ng napakaraming uri ng virus. Ang pinaka-common sa mga ito ay ang rhinovirus. Naaapektuhan ng sipon ang upper respiratory tract, na binubuo ng ilong at lalamunan.
Iisipin mo rin na baka tuluyan kang magkatrangkaso o flu. Tinatawag rin itong influenza, na isang respiratory illness na sanhi ng flu virus. Lubhang nakakahawa ang sakit na ito at mabilis kumalat. Pero kapag naagapan, madali itong nagagamot ng anti-flu medicine.
Mga posibleng dahilan ng makating lalamunan at dry cough
Karaniwang inuugnay sa makating lalamunan ang sore throat, strep throat, at tonsillitis. Taliwas sa akala ng karamihan, hindi sila iisang kondisyon lamang bagkus tatlong magkakaibang sakit.
Kung sore throat, namamaga ang lalamunan. Pero kapag tonsils ang namaga, tonsillitis na ito at, sa patuloy na pamamaga, maaaring tumuloy sa strep throat.
Kadasalang kasunod ng makating lalamunan ang pag-ubo, lalo na kung may plema sa lalamunan at tinatawag na productive cough.
Pero puwede ring nonproductive o dry cough dahil wala itong kasamang phlegm o mucus.
Sa ganyang karamdaman, ang una mong iisipin ay magkakasipon ka. Ang sipon o common cold ay isang uri ng infection na dulot ng napakaraming uri ng virus. Ang pinaka-common sa mga ito ay ang rhinovirus. Naaapektuhan ng sipon ang upper respiratory tract, na binubuo ng ilong at lalamunan.
Iisipin mo rin na baka tuluyan kang magkatrangkaso o flu.
Tinatawag rin itong influenza, na isang respiratory illness na sanhi ng flu virus. Lubhang nakakahawa ang sakit na ito at mabilis kumalat. Pero kapag naagapan, madali itong nagagamot ng anti-flu medicine.
Bukod sa viral o bacterial infection, ayon sa mga eksperto ng University of Michigan Health (UMH) puwede ring kumati ang lalamunan at magkaroon ng dry cough dahil sa mga sumusunod:
• Cigarette smoke
• Environmental irritants
• Allergies
• Postnasal drip
• Asthma
• Acid reflux
• Bronchitis
Gamot sa makating lalamunan at dry cough home remedy
Sa simula pa lang ng sintomas, bigyan ito ng atensyon at huwag balewalain nang hindi na lumala. May ilang paraan bilang gamot sa makating lalamunan bago pa humantong sa dry cough.
Magmumog ng tubig na may asin
Maglagay lang ng 1/4 hanggang 1/2 teaspoon ng asin (sea salt o di kaya table salt), sa isang baso na may 8 ounces na maligamgam na tubig. Ito ang ipangmumog nang ilang beses hanggang maubos ang isang basong tubig. Tinatawag din itong salt water gargle.
Kabilang sa mga hatid na benepisyo ng luya sa katawan ang maraming anti-inflammatory antioxidants, tulad ng gingerols, shogaols, at zingerones. Ang gingerol, halimbawa, ay nakakatanggal ng kirot (analgesic), nakakapangkalma (sedative), at nakakapanglaban sa bacteria (antibacterial). Dahil sa gingerol, nakakatulong ang luya sa paggamot ng ubo, sipon, trangkaso, at makating lalamunan.
Uminom ng salabat
Kung hindi gamay ang lasa ng hilaw na luya, subukang hiwain ito sa maliit na piraso at saka ilagay sa kumulong tubig para maging salabat. Lagyan mo lang ng katas ng kalamansi o di kaya lemon para sa dagdag na vitamin C. Puwede mo rin itong haluan ng honey para may konting tamis at dagdag pa ring sustansya.
Uminom ng tsaa
Bukod sa salabat, mainam din ang iba pang tsaa para lumuwag ang pakiramdam sa may lalamunan. Kabilang diyan ang herbal tea na peppermint, chamomile, at kahit simpleng black tea.
Uminom ng apple cider vinegar
Sapat na ang isang kutsarita ng apple cider vinegar (ACV), pero kung hindi mo magustuhan ang lasa, puwede mo itong ihalo sa maligamgam na tubig bago inumin.
Produkto ang ACV ng mga mansanas na dinurog at dumaan sa proseso ng distillation at fermentation. Ang mataas na antas na taglay nitong acetic acid at ilan pang compounds ang nagbibigay ng benepisyo sa katawan, gaya ng improved health, detoxification, at weight loss.
Humigop ng mainit na sabaw
Makakatulong din ang mainit na sabaw para guminhawa ang pakiramdam ng lalamunan, pati na ang buong katawan. Kilala ang chicken soup na mabisang panlaban sa sakit, pero subok rin ang masabaw na lutong Pinoy tulad ng tinola at sinigang.
Gumamit ng air purifier o humidifier sa kuwarto
Maaaring makakatulong ang air purifier o di kaya humidifier para hindi matuyo ang lalamunan. Baka kasi dry air ang dahilan ng pangangati ng lalamunan mo at pag-ubo na rin.
Ang tubig na may asin ay may kakayahang tanggalin ang excess fluid sa inflamed tissues sa lalamunan at bawasan ang pagkirot dito, paliwanag ng mga eksperto. Pinaluluwag din daw ng pagmumumog ang plema upang matanggal ang irritants, gaya ng allergens, bacteria, at fungi, na nasa lalamunan. Sila kasi ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng sipon at sore throat.
Mahalaga na magpa-konsulta sa doktor upang malaman kung ano ang sanhi ng bukol at kung anong mga uri ng gamot at pangangalaga ang nararapat na gawin. Kung ikaw ay mayroong bukol o iba pang karamdaman, mahalaga na kumonsulta muna sa doktor upang mabigyan ka ng tamang diagnosis at treatment.
Date Published: Apr 01, 2023
Related Post
Kung ikaw ay mayroong makating lalamunan at dry cough, maaaring ito ay dahil sa iba't ibang mga dahilan tulad ng impeksyon sa virus o bacteria, allergies, acid reflux, o dehydration. Narito ang ilang mga posibleng gamot at remedyo para sa mga sintomas na ito:
Pag-inom ng maligamgam na tubig: Ang ...Read more
Gamot sa makating lalamunan at Home Remedy
Nagdudulot ng pharingitis or sore throat ang kundisyon kung saan ang lalamunan ng isang tao ay nakakararanas ng pangangati at pananakit.
Nahihirapan ding lumunok ang taong mayroon nito at kung minsan nagdudulot ng hirap sa pagsasalita dahil sa iritasyon...Read more
Ang pananakit at pangangati ng lalamunan ay sintomas lamang na may problema. Kadalasan, ang sore throat ay dala ng impeksyon, o kaya naman ay mga factor na dala ng kapaligiran gaya ng dry air. Mayroon itong tatlong uri base sa parte ng lalamunan na naaapektuhan nito:
Pharyngitis – Pharynx an...Read more
Ano ang Gamot sa makating lalamunan
Ang mga gamot sa pangangati ng lalamunan ay depende sa kung ano ang sanhi ng pangangati. Ang ilan sa mga ito ay maaaring pain reliever, gamot sa ubo, corticosteroids, antihistamines, antibiotics, at antifungals.
Tandaan na ang mga gamot na ito ay mayroong mga si...Read more
Ano ba ang gamot sa makating lalamunan?
Ang gamot sa makati at namamagang lalamunan ay depende sa kung ano ang sanhi ng pamamaga. At dahil kadalasang sanhi ng makating lalamunan ang impeksyon na dala ng virus, mahalagang tandaan na ang paginom ng antibiotic na gamot ay hindi makakatulong upang mawa...Read more
Gamot sa makating lalamunan at ibang sintomas ng allergy
Antihistamines ang gamot para sa allergies, sabi ng mga eksperto sa Mayo Clinic. Paliwanag nila na gawain ng antihistahimes na harangin ang histamine, o ang chemical na nilalabas ng immune system kapag nagkakaroon ng allergic reaction. Mabibi...Read more
Ang pangangati sa kilikili dahil sa tawas ay maaaring dulot ng reaksiyon ng balat sa kemikal na matatagpuan sa tawas. Ito ay maaaring magdulot ng pangangati, pamamaga, at kati-kati sa balat ng kilikili.
Narito ang ilang mga hakbang na maaaring gawin upang maibsan ang pangangati sa kilikili:
1....Read more
Kung mayroon kang gasgas sa lalamunan, maaaring ito ay dahil sa mga kadahilanan tulad ng pagkakamot ng lalamunan, pagkain ng maanghang o maasim na pagkain, o paninigarilyo. Narito ang ilang mga natural na paraan upang mapabuti ang kondisyon ng iyong lalamunan:
1. Gargle ng maligamgam na tubig na ...Read more
Mayroong ilang home remedy na maaaring magbigay ng kaluwagan at maibsan ang sintomas ng sipon. Narito ang ilan sa mga mabisang home remedy na ito:
Umiinom ng maraming tubig - Ang pag-inom ng maraming tubig ay nakakatulong upang maiwasan ang dehydration at maiwasan ang pagkakaroon ng tuyo at masak...Read more