Ang paggamot sa pneumonia ng bata ay maaaring mag-iba depende sa kung anong uri ng pneumonia ang mayroon ang bata, ang kalagayan ng kalusugan ng bata, at iba pang mga kadahilanan. Mahalaga na kumunsulta sa isang doktor upang matukoy ang pinakamabisang gamot at para sa tamang pangangalaga.
Pneumonia ang isa sa mga pangunahing dahilan ng mortality rate sa mga tao. Ito ay nangyayari kapag ang baga ng tao na syang nag fi-filter ng hangin ay mapuno ng tubig at nana na nagreresulta sa kakulangan ng hangin o oxygen sa katawan natin.
Karaniwang gawa ng bacteria na Streptococcus pneumoniae ang pagkakaroon ng pulmonya sa bata. Meron ding tinatawag na Mycoplasma pneumoniae kung saan naman ay walang rampant na sintomas sa bata kaya ito ay delikado din. Pwede ding makakuha ang bata ng pneumonia galing sa mga viruses at Fungi.
Kaya iba iba ang gamot na ginagamit para sa pneumonia ng bata depende sa dahilan nito.
Ang mga karaniwang gamot na maaaring ipinapayo ng doktor para sa paggamot ng pneumonia sa bata ay:
Antibiotics - Ang antibiotics ay ginagamit upang labanan ang bacterial infections, kabilang ang pneumonia. Ipinapayo ng doktor ang tamang uri ng antibiotics na kailangan ng bata, at dapat sundin ang mga ito sa tamang dosage at oras.
Antipyretics - Ito ay mga gamot na ginagamit upang bawasan ang lagnat ng bata at mapabuti ang kanyang kalagayan. Halimbawa ng mga antipyretics ay acetaminophen at ibuprofen.
Bronchodilators - Kung mayroong kasamang kumbulsyon sa paghinga, ang doktor ay maaaring mag-rekomenda ng bronchodilators upang mapadali ang paghinga ng bata.
Oxygen therapy - Sa mga kaso ng malubhang pneumonia, maaaring kailangan ng bata ng oxygen therapy upang mapanatili ang tamang level ng oxygen sa katawan.
Mahalaga ring masiguro na ang bata ay may sapat na pahinga, inuming maraming tubig, at sumusunod sa mga rekomendasyon ng doktor para sa pangangalaga
Nakakahawa ang Pneumonia kaya kailangan din ng pag iingat sa pag alaga ng mga bata na mayroong ganitong karamdaman.
Date Published: Apr 05, 2023